Sabado, Oktubre 4, 2014

MIND YOUR OWN BUSINESS

MIND YOUR OWN BUSINESS



Judging you by others is inevitable. You are being judged wherever you go and whatever you do. Fro many people who are being judged, the only thing that they do is to accept it or they do not mind whatever the words they may hear. It is as if they hear the words from their right ear and just let it pass in their left ear, for them not to be affected so much. However, have you ever thought what does judging others do in you personally and what its consequences?

To sit around pointing fingers and scrutinizing someone else for the choices they make, and the direction they motivate in, is very wasteful and unproductive. When you pass judgment against others, it makes you insensitive to what others may feel. To stay objective, and understand that, is much better although you may not personally agree with someone’s choices, still you do not have the right to judge.

Each person has different actions and reactions in every situation, it is because each person reacts on situations based on the condition of the situation and based on their characteristics. It is also because they are influenced by their thoughts and feelings. These reactions are usually a mixture of positive and negative responses that needs to view objectively.

We judge ourselves by what we feel capable of doing. While others judge us by what we have already done. As Antoine de Saint-Exupery says, “it is only with the heart that one can see rightly: what is essential is invisible to the eye.” What matters most is the inner and not the outer character or appearance of a person.

Everyone has his or her own lives. Each one of us should walk in our own life, minding our own selves, and our own actions. Just like an old saying goes, “do not judge the book by its cover.” We should not judge by its material content. If we judge someone else, always consider that we also have actions and behaviors that will be judged by others as well. If we judge someone else, we must leave ourselves open to being judge as well. Just put in mind that for every actions we make, never sin against God.

Miyerkules, Oktubre 1, 2014

MGA BATO LAMANG IYAN, KAYA MO IYAN!

MGA BATO LAMANG IYAN, KAYA MO IYAN!



Buhay ang pinakamahalagang bagay na natanggap nati mula sa Panginoon, inalay Niya ang sariling buhay makamit lamang ito kaya dapat itong pahalagahan at gamitin sa mabuting paraan. Ngunit tila hindi lahat ng tao ay nauunawaan ang ganitong konsepto. Sa panahon ngayon, lalong dumarami ang mga taong naliligaw ng landas at hindi ginagamit ng tama ang tinatamasang buhay. Hindi ba nila alam na mapalad sila dahil nakakapamuhay sila at nagagawa ang anumang gusto samantalang ang iba, pagkasilang pa lang binabawian na agad ng buhay kaya hindi nila nasilayan ang ganda ng mundo. Isa na siguro sa may pinakamalaking bilang ay ang mga taong kontrabida.

Oo. Tama, kontrabida nga. Sa buhay, iyan ang mga taong hindi mo maiiwasang makatagpo. Isinilang tayo na may nakalaan na sa ating mga taong tutulong at magpapaiyak sa atin. Tadhana ba kumbaga. Ang mga kontrabidang ito ay ang mga taong minamaliit ang iyong kakayahan at mga pangarap sa buhay. Isang bato na pumapatid kung sila ay ituring ng iba. Tila ba nagiging madrama at teleserye ang buhay ng isang tao dahil sa mga taong walang mgawang mabuti sa kapwa at ang tanging mahalaga ay ang kanilang sariling kapakanan. Nakakalungkot isipin na nang dahil sa mga taong ito, marami ang umiiyak na lamang at hindi pinagpapatuloy ang laban sa buhay. Bakit ganoon, kung sino pa ang mga nakakaangat, nakakapamuhay ng maayos at may pinag-aralan ay sila pa ang hindi marunong makisalamuha ng tama, daig pa ng mga taong kung mamuhay ay simple lang na kahit hindi nakatapos ng pag-aaral o hindi magawang makapasok sa paaralan ay mas alam pa ang dapat gawin sa kapwa at mas nakakatawag pansin ay ang mga bata na marunong makipagkapwa-tao na kung tutuusin ay mura pa ang kanilang isip, kailangan ng huhubopg at tatayong huwaran para sa kanila. Ano na ang nangyari, bumaligtad na ba ang mundo?! Nasaan na ang sinsasabing pagkakapantay-pantay? Habang patuloy na nagbabago ang panahon ay ganoon din ang ugali ng tao at lumulubha pa nga kung tutuusin.

Kaliwa’t kanan may mga taong mapang-api, mapanghusga ng walang kasiguraduhan, mapanira, at mapangmaliit sa kapwa. Sadyang ugali na nga ng maraming tao na kwestiyunin o pagdudahan ang lahat ng magagandang bagay na naririning nila tungkol sa iyo ngunit kaagad naman nilang pinaniniwalaan ang mga hindi magagandang bagay sa iyo na naririnig nila ng walang anumang pag-aalinlangan. Tila ba nalimot na nila ang awiting “walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang. Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa…”, at sinasayang ang buhay sa walang katuturang bagay.

Sa kabila ng mga ito, hindi dapat panghinaan ng loob anuman ang harapin at suunging problema. Kahit ilang ulit ka pa madapa at masugatan dahil sa mga batong nakakatisod, pilitin mo pa ring tumayong anumang mangyari at ipagpatuloy ang pagtahak sa buhay. Sabi nga ng iba, “hangga’t may bukas, may pag-asa.” Ang buhay natin ay hiram lamang sa Panginoon kaya huwag natin itong sayangin. Ang bawat problemang kinakaharap ay tumutulong sa atin upang tayo ay mas maging malakas pa. Tandaan mo lamang palagi na ang tunay na malakas na tao sy tumatahan sa pag-iyak mula sa pagkakadapa, pupulutin ang kanyang espada at lalabang muli. Manalig ka lamang ng lubos sa iyong kakayahan at sa Panginoon, ikaw ay magtatagumpay laban sa mga batong tumitisod sa iyong buhay. =) :) =)